Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyanag Pandaigdigang Balita ng Ahl al-Bayt (sumaknila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Israel, sinabi ni Saif al-Islam Gaddafi, na ang Iran ang magtatakda ng kapalaran ng anumang malawakang sagupaan laban sa rehimeng Zionista. Aniya, “ang katapusan ng digmaan ay isinulat sa wikang Persian,” na isang matalinghagang pahayag na nagpapahiwatig ng tagumpay ng Iran sa hinaharap na labanan.
Mga Mahahalagang Punto:
- Ayon kay Gaddafi, ang mga resulta ng digmaan ay huhubugin ayon sa mga layunin at interes ng Iran.
- Binanggit niya, na hindi kailanman sasalakay ang Amerika sa Iran sa parehong paraan ng ginawa nito sa Iraq o Afghanistan.
- Tinukoy niya ang dating pahayag ni Henry Kissinger, na may mga kaganapang paparating na magbabago sa mapa ng Gitnang Silangan.
- Ayon sa kanya, ang Iran ay isa nang bansang may kakayahang nuklear, at ang mundo ay kailangang tanggapin ang katotohanang ito.
- Ipinahayag din niya, na noong 2008 pa lamang ay sinabi na niya sa isang pulong sa New York, na “kailangan ninyong matutong makisama sa isang nuclear weapons programa ng Iran.”
…………….
328
Your Comment